Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Makabuluhang Kuwaresma ngayong Pandemya!

0 84

Sinimulan kahapon sa paggunita ng “Miercoles de Ceniza” ang 40-araw na Panahon ng Kuwaresma sa pamamagitan ng pagbubudbod ng abo sa ating mga ulo; ipinagbawal ng Simbahan ang pagpapahid sa noo ngayong may COVID-19 na kumakalat. Ang abo ay palatandaan ng ating pagiging makasalanan at paanyaya sa muling pagbabalik-loob.

Turo ng Iglesya, “Lent gives us the opportunity to receive a ‘new heart.’ It is a time of repentance and reconciliation with God, with ourselves and with our brothers and sisters. The purpose of Lent is to awaken within us an awareness of our desperate need of God especially in these trying times. ”

Binibigyan tayo oportunidad ngayong susunod na mga linggo upang mapagpakumbabang tanggapin ang ating mga kahinahan at pagsisihan ang mga nagawang kasalanan. Ipinagkakaloob sa atin ang sapat na panahon sa panalagin at pagninilay upang hilingin ang liwanag at lakas ng Diyos.

Lumalapit tayo sa Diyos ngayong mga araw para humingi ng awa at patawad sapagkat wagas ang Kanyang kabutihan at pagmamahal sa atin. Ang mga pangyayari sa mundo ngayong kasalukuyang panahon ay nagsisilbing pagtapik sa atin ng Poon upang tayo’y matauhan. Hinihipo at ginigising tayo ng Diyos gamit ang COVID-19.

Saad ng Simbahan, “we receive from God an urgent appeal this time of pandemic. He does not only implore us to be reconciled but He wants us to be ‘ambassadors’ of his mercy to others. May we not fail the Lord whom we have ignored in the past. May we, with open hearts welcome his forgiveness this Lenten Season!”

Hindi sapat ayon sa Iglesya basta lang makipagkasundo sa Diyos, kailangan daw gumawa tayo ng mga hakbang upang mas mapalapit at mapamahal sa Kanya. Sa Ebanghelyo itinuro ni Kristo ang paraan kung paano makamit ito sa pamamagitan ng panlangin, pag-aayuno at kawanggawa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pagsisimula ng Kuwaresma, hinihiling natin sa Diyos na maging taimtim ang ating pagsunod sa programang inihain mismo ni HesuKristo upang maging makabuluhan ang paggunita sa Kanyang Pasyon; upang kasama Niya maluwalhati nating ipagdiwang ang tagumpay ng Muling Pagkabuhay!

Giit ng Simbahan, “the spiritual exercises of Lent have eternal consequences.” Hindi mahalaga ang sasabihin sa atin ng iba dahil para sa Diyos at para sa sariing kabutihan ang ating pagpupunyagi sa panalangin, disiplina sa pagkain at paglilimos. Ang Diyos na nakakita at nakakaalam ng lahat ng bagay ang huhusga sa atin.

Mungkahi ng Iglesya: “During this period of prayer and reflection we consider how Jesus prepared for his own ‘forty days’ in the wilderness. Let us therefore use these days as an opportunity to deepen our trust in God, especially in the midst of difficulties.” Ngayong simula ng Kuwaresma, insipin natin kung paano mas magiging makatuturan ang ating paghahanda sa Pista ng Pagkabuhay.

Sa huli paanyaya ng Simbahan sa tanan: “Let us make a clear and firm our decision to begin our journey as we acknowledge that we are sinners in need of forgiveness. We follow up on our acknowledgment with prayer, fasting and almsgiving. We find time to be alone with God, to be silent within, and to dedicate time for reflection so that we may achieve the goal of reaching Easter joy.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.