Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Makakabawi na ang local hog industry

0 254

Magandang balita sa ating mga kababayang mga magbaboy. Nagdeklara ng nation State of Calamity si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa African Swine Fever (ASF) na labis na nakaapekto sa local hog industry ng bansa.

Sa wakas, natupad ang matagal nang hinihiling ng ating mga lokal na inudstriya ng magbababoy. Malaking tulong ang dagdag na pondo na magiging tulong financial o indemnification sa mga magbababoy na labis na nalugi sapul nang tumamaga ang ASF sa bansa noong 2020.

Sa ilalim ng deklarasyon ng State of Calamity, hininikayat nito ang lahat ng ahensiya ng gobyerno at local government units na gamitin ang kinakailangang resources para ma-contain at mapigilan ang pagkalat ng ASF sa loob ng isang taon.

Siguro naman sapat na ang isang taon para masugpo ang ASF ito para naman makabangon na ang hogh industriya na nalugi ng halos P100 bilyon mula na tumama ang outbreak na ito sa ating bansa.

Kasabay ng pagkontrol sa ASF ay ang hakabang ng gobyerno na magkaroon ng repopulation ng mga baboy para mabilis na makabai ang sektor ng magbababoy. Siyempre malaki ang papel ng national government at LGUs para tulungan makabangon ang industriya.

Sa deklarasyon ng state of calamity, papayagan ang national government at local government units (LGUs) na gamitin ang appropriate funds, kabilang ang Quick Respond Fund (QRF) para makontrol ang patuloy na pagkalat ng ASF sa bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tingin ko naman kayang sugpuin sa lalong madaling panahon lalo na’t may sapat namang pondo para dito. Kailangan nga lang bilisin at hindi na magpatumpik-tumpik dahil kung tatagal pa ito, patuloy pa ring kukulangan ng suplay nito sa pamihilin at mananatili pa ring mahal ang presyo ng karne ng baboy.

Naaala ko noong magkaroon ng cocolisap  – ito yong peste na sumisira sa mg apuno ng niyog – noong 2014, nagdeklara rin ng state of emergency noon dahil talagang malaki din ang epekto sa local coconut industry noon.

Pero agad iyong naagapan. Sa ilalim ng pamumuno ni Senador Kiko Pangilinan, na dating Presidential Assistant for Food Security and Agriculture Modernization, sa loob lang ng anim matapos ideklara ang state of emergency, nakontrol agad ang pagkalat ng cocolipsap.

Tingin ko naman dito sa ASF, kayang-kaya gawin kung agad itong sisimulan. Malamang nga hindi pa abutin ng isang taon ay makontrol na ito at iyan naman ang inaasahan ng hog industry nang sa gayon ay makabangon sila at masuplayan ng sapat ang pangangailanga ng bansa.

Kapag bumalik na kasi sa normal ang hog industry, hindi na kailangang mag-import ng daang libong metriko tonelda ng frozen pork dahil kaya nang suplayan ng local hog raisers ang ating pangangailan. Kapag sumigla na muli, magiging stable na presyo nito hindi tulad ngayon na umaabot pa nga hanggang P450 ang kada kilo ng liempo.

Mahalagang madagdagan ang suporta at alalay ng gobyerno para masugpo ang ASFP. Ang gobyerno ang magbibigay ng additional funding bukod sa puwede ngang gamitin ang QRF ng DA, gayundin ng LGUs.

Sabi ng DA, dagdag na P6 bilyon ang kailangan para sa ASF response subalit P2.6 bilyon lang ang available nilang pondo para dito. Pero pwede namang kunin yan sa calamity funds ng national government at sa tingin ko naman ay kayang nilang i-provide iyan. 

Leave A Reply

Your email address will not be published.