Abante Tonite Interactive

Makakaliskisan na

519

FOR THE RECORD
Boyet Jadulco

Makakaliskisan na next week ang mga bagong miyembro ng Senado at Kamara sa pagbubukas ng sesyon ng 18th Congress.

Nakapokus ang atensyon ng marami sa mga bagong halal na senador tulad nina Atty. Francis Tolentino, Ro­nald ‘Bato’ Dela Rosa, Christopher Lawrence ‘Bong’ Go at Imee Marcos. Balik-Senado naman sina Lito Lapid, Ramon Bong Revilla at Pia Cayetano.
Sa Lunes, Hunyo 22, magpapabonggahan muna sila ng kasuotan sa unang araw ng sesyon ng Senado. Scripted ang procee­dings kaya’t wala pang fireworks sa session hall. Kinahapunan ay dadalo naman sila sa ika-4 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasan Pambansa complex.

Abante Hiring – IT dep

Sa susunod na araw, Hulyo 23 na masusubukan ang kalibre ng mga bagong halal na senador. Kung ide-deliver agad ng mino­rity leader ang kanilang kontra-SONA, asahan nating magsasalita rito ang mga bagong senador na kaalyado ng administrasyon.

Tiyak na marami ang tututok kung ano man ang sasabihin nina Tolentino, Dela Rosa, Go, Marcos at Cayetano. Makikinig naman sa kanilang argumento sina Lapid at Revilla. Malamang din na magkaroon ng bagong grupo sa Senado o baka sumanib na lang sila sa Macho bloc o grupo ng mga guwapong seatmates sa pangunguna ni Majority Leader Migz Zubiri at Senador Sonny Angara.

Sa Senado pa naman kalimitang napipili ang nagiging presidente ng bansa. Malay natin, isa sa kanila ang maging future president o kaya ay susunod na vice president.

***

Nagbukas ang bagong branch ng Chowking sa San Antonio Valley-1 sa Sucat, Parañaque City at isa tayo sa naging customer ng nasabing fast food. ‘Yun nga lang, hindi naging maganda ang karanasan ko rito matapos na mawala ang take-out order.

Sabi ng waiter, naibigay sa ibang customer ang order ko kaya’t pinayagan na lang akong mag-refund.

Lumalabas lamang na may isang customer ang hindi na­ging honest nang oras na iyon. Nakita niyang may dagdag na item na binigay sa kanya na hindi naman niya binayaran. Grasya ang tingin niya kahit sa mata ng Diyos ay mali ito. ‘Wag sana itong pamarisan ng ibang tao.