Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Makati hepe, 3 pulis kinasuhan sa Dacera case

0 319

Nagsampa sa Philippine National Police – Internal Affairs Service (IAS) sa Camp Crame kahapon ng administrative complaint na grave misconduct, grave abuse of authority, gross dishonesty at gross negligence ang limang respondent ng Dacera Case laban sa chief of police ng Makati City at tatlo nitong tauhan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Atty. Mike Santiago, legal counsel nina John Pascual Dela Serna III, Gregorio De Guzman, Jezreel Rapinan; Alain Chen alyas ‘Valentin Rosales,’ at Rommel Galido, ito ay may kaugnayan sa pagkakakulong at pagdawit sa kanyang mga kliyente sa rape with homicide case na nauna nang itinurong dahilan ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera noong Bagong Taon.

Kinilala ang mga dinemandang pulis na sina P/Col. Harold Depositar, hepe ng Makati PNP, at tatlong tauhan na sina P/Cpl. Louie Lopez; P/Staff Sgt. Jun Alimurong at P/Capt. Danilo Oamil. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.