Abante Tonite Interactive

Makati kidnapping uli! dalaga nakatakas sa 6 Chinese

386

Nahaharap ngayon sa kasong abduction ang apat sa anim na Chinese national na naaresto sa tangkang pagdukot sa isang 18-anyos na dalagang Pinay nitong Biyernes ng gabi sa Makati City.

Kinilala ng Makati police ang mga suspek na sina Weird She, 28; Well in Bei, 25; Xiaohui Sun, 22; So Chen, 26, pawang Chinese national, at nanunuluyan sa Central Park Condominium, Pasay City.

Ayon sa biktimang si Gella Maniti, residente ng 1873 Einstein St., Brgy. San Isidro, Makati City, hinawakan umano siya ng isa sa mga lalaking suspek sa braso at pinilit na isakay sa loob ng isang taxi sa Einstein St., Brgy. San Isidro, dakong alas-10:00 ng gabi.

Nagpumiglas umano siya dahilan para mapansin ng mga barangay-tanod na ang komosyon at habulin ang mga suspek.

Inabutan naman ng mga awtoridad ang 4 na Chinese pero nakatakas ang 2 pa nilang kasamahan.

Nasa edad 22 hanggang 28 ang mga dayuhang pawang nakatira sa Pasay City.

Ayon kay PEMS. Romeo Peñaflor, itinurn-over sa kanila ang mga suspek na dinala muna sa Palanan Medical Center. (Juliet de Loza-Cudia)