Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Makati police chief, 3 pa sibak sa Dacera case

0 117

Inaprubahan ni Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas ang rekomendasyon ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) para ma-relive ang hepe ng Makati Police chief, at ang Southern Police District (SPD) medico-legal officer, at dalawang imbestigador dahil sa pagkukulang sa ginawang imbestigasyon sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ayon kay Sinas, inaprubahan na niya ang pagsibak kay Makati City chief of police Police Col. Harold Depositar, ang medico legal ng SPD at dalawangf imbestigador na unang nagsagawa ng imbestigasyon.

Matatandaang pinag-utos ni Sinas sa PNP-DIDM ang hiwalay na imbestigasyon sa posibleng kapabayaan at pagkukulang ng mga pulis na siyang humawak ng kaso ni Dacera.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon pa kay Sinas, si National Capital Region Police Office chief Brig Gen Vicente Danao Jr., na ang

magdedesisyon kung ang rekomendasyon ay agad na ipapatupad.

Matatandaang matapos matagpuang walang malay ni Dacera sa inupahang kuwarto sa City Garden Grand Hotel sa Makati City noong Enero 1 ay dinala ito sa Makati Medical Center pero idineklara na itong dead on arrival.

Bago pa naisagawa ang autopsiya ay naembalsamo na ang bangkay nito at agad nagsampa ng kasong rape with homicide ang hepe ng Makati City sa mga kasama ni Dacera na kalaunan ay pinakawalan din ng Makati City prosecutors office dahil sa kakulangan ng ebidensya. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.