Abante Tonite Interactive

Makati Police didikdikin sa kaso ng 3 abogado ng Times Bar

761

Pinalaya ng Makati City Police ang tatlong abogado na kanilang inaresto at kinasuhan nang mambulabog at harangin diumano ang mga awtoridad habang nag-iimbestiga sa loob ng Times Bar sa Makati Avenue, na kanilang sinalakay kamakailan dahil isa umano itong pugad ng iligal na droga.

Bandang alas-8:30 nang gabi nang palayain sina Atty. Leni Rocel Elmido Rocha, Jan Vincent Sambrano Soliven at Romulo Bernard Alarcon.

Batay sa release order ni Atty. Romel Odronia, senior assistant city prosecutor ng Makati, pinalaya ang tatlo ngunit pinababalik sa piskalya sa Agosto 28 at Setyembre 4 para sa preliminary investigation nang alas-dos nang hapon.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay Ordonia, kailangang linawin ang alegasyon ng pulisya na nakialam at naging sagabal ang tatlong abogado sa paggalugad ng Makati Police sa Times Bar noong Huwebes nang umaga.

Sinabi ni Ordonia na kailangan pa rin umanong imbestigahan ang isa sa apat na reklamo ng pulisya na “constructive possession of illegal drugs” laban sa tatlong abogado.

Bukod pa dito, may tatlo pang kaso ang isinampa ng pulisya na obstruction of justice, paglabag sa City Ordinance na nagbabawal sa paglabag sa police line at resistance and disobedience.

Alas-10:00 nang umaga noong Huwebes nang balikan ng mga tauhan ng Makati City Police ang Times Bar bitbit ang search warrant na inisyu ni Judge Elmo Alameda ng Makati Regional Trial Court Branch 150.

Nakialam umano ang tatlong abogado sa paghahalughog sa bar, tumangging magpakita ng identification card at ng patunay na ­abogado sila ng may-ari ng Times Bar.