Abante Tonite Interactive

Make-up artist dusa sa aktres

921

tonite-no-thanks-cristy-fermin
Nakakaloka ang kuwento na kapag dumarating ang isang magandang female personality sa kanyang taping­ o shooting na may mga dalang libro ay kinakabahan na ang mga katrabaho niya.

Kapag hindi pala nakasalang sa harap ng mga camera ang magandang babaeng personalidad ay mahilig siyang magbasa ng mga libro para hindi masayang ang kanyang oras sa paghihintay.

Kuwento ng isang source, “Maganda naman ang ginagawa niya, lumalawak pa nga ang knowledge niya sa pagbabasa niya ng iba-ibang klase ng libro. Meron siyang binabasang love story, sci-fi, may mga documentary pa nga.

Abante Hiring – IT dep

“Pero ang problema lang, kapag masyado na siyang napapalalim sa pagbabasa, e, mahirap na siyang tawagin para sa take niya. Ayaw niyang bitiwan ang libro, patuloy pa rin siya sa pagbabasa.

“Ayaw niyang iwanan ang pagbabasa, parang gusto na niyang tapusin ang buong libro, kaya ‘yun ang nagiging problema sa kanya,” kuwento ng impormante.

Pero ang pinakaapektado kapag ganu’ng basa nang basa ang magandang aktres ay ang kanyang make-up artist at hairdresser.

“Kasi nga, nakadukdok siya sa pagbabasa, di ba? Wala namang nagbabasa na nakati­ngala. So, kapag nire-retouch na siya bago sumalang, e, hirap na hirap ang make-up artist niya.

“Nakayuko kasi siya, ayaw niya munang bitiwan ang libro, kaya ang nangyayari tuloy, e, nakaluhod na ang make-up artist para siya mai-retouch!

“Nakakaawa naman ang make-up artist niya, dusa talaga ang ina­abot nu’ng tao, kasi nga, basa nang basa ng libro ang ina­ayusan niya! Ano ba namang tantanan na muna niya ang pagbabasa?

“Nandu’n siya sa location para umarte, hindi para magbasa lang nang magbasa ng libro! Huwag siyang nangdadamay ng ibang tao sa pagiging bookworm kuno niya!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Sharon napasama sa pagreregalo kay vice

Nagregalo na nga ay napasama pa. Sa halip na matuwa ang mga taong walang magawa d’yan dahil marunong mag-share ng kanyang mga biyaya si Sharon Cuneta ay hinanapan pa ng butas ng mga taong ‘yun ang pagreregalo niya ng bracelet na studded with diamonds si Vice Ganda.

May mga nagkomento na bakit si Vice Ganda pa ang niregaluhan ng Megastar samantalang napakarami nating kababayang nagugutom ngayon at walang tirahan dahil sa mga bagyong dumadalaw sa ating bayan?

Komento ng isang basher ni Mega, “Kung sincere ang pagbibigay niya, e, hindi na niya dapat pang ipi­nakita ‘yun on national television! Bakit kaila­ngang ipakita pa niya ‘yun sa buong bayan?

“Napakalaking halaga ng diamond bracelet na ini­regalo niya kay Vice, bakit hindi na lang niya ‘yun ipinangtulong sa mga Pinoy na nagdarahop?” puntong ipinaglalaban ng pumuna sa ginawa ni Sharon.

Pero mas marami ang nagkagusto sa ginawa ni Sharon dahil hindi lang naman ngayon siya nagpakita ng pagmamagandang-loob sa kanyang mga kapwa artista.

Maraming beses na siyang nagrere­galo sa kanyang mga kasamahan, maraming personalidad na ring kapos sa buhay ang kanyang tinutulungan, nagkataon lang na sa GGV nangyari ang pagbibigay niya ng diamond bracelet kay Vice Ganda dahil guest siya.

Saka kay Sharon ang bracelet, siya ang tanging may karapatang magdesisyon kung ano ang gagawin niya sa kanyang ipinundar, kung kanino niya ‘yun gustong ibigay ay labas na ang kahit sino.

Sabi nga ni prop, “Ke itapon pa niya ang diamond bracelet na ‘yun sa Pasig River, e, wala na tayong pakialam dahil si Sharon naman ang bumili nu’n! Pera niya, hindi natin pera!”