Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Makeup artist ng TV host tinamaan ng COVID

0 610

Replay pa rin ang isang daily show dahil nag-positive pala sa COVID-19 ang makeup artist ng isa sa main hosts ng show.

May close contact siyempre si main host sa kanyang personal glam team kaya kailangan niyang mag-quarantine just to make sure na hindi siya nahawaan ng virus.

Pati ‘yung mga ibang nasa programa na na-expose sa makeup artist ni main host ay nag-self quarantine din para makasiguro.

Kaya ayun, apektado ang nasabing daily live show dahil nga sa kinatatakutang virus. At dahil 14 days ang quarantine ay dalawang linggo na yatang replay ang nasabing programa.

In fairness ay mukhang okey naman si main host kahit pa nag-positive ang isang taong malapit sa kanya na palagi niyang kasama.

Pero apektado rin ang mga ganap ni main host dahil nga kailangan niyang mag-self isolate muna at siguraduhing COVID-free siya bago bumalik sa kanyang normal daily routine.

Kung magiging okey na ang lahat ay mapapanood na nang live ang nasabing daily show this coming weekend.

Puhunan ni Jinggoy bet bawiin sa Netflix

Kung si Senator Jinggoy Estrada ang tatanungin ay gusto niya pa ring makasali sa Metro Manila Film Festival sa December ang comeback movie niyang “Coming Home” na siya rin ang nag-produce.

Pasok ito sa 1st Summer MMFF, na hindi natuloy nu’ng Abril dahil sa COVID pandemic.

Related Posts

Kailangan nilang mapili bilang finished film para makapasok ulit sa MMFF, pero maging si Sen. Jinggoy ay duda kung matutuloy ang filmfest sa Disyembre lalo na kung mataas pa rin ang COVID cases sa bansa dahil dangerous ito para sa publiko.

Okey raw sa kanyang ipalabas na lang sa Netflix ang movie niya kung sakali, lalo na kung maayos ang magiging bayaran.

Kahit daw maka-break even lang siya ay puwede na, pero ayaw niyang sabihin kung magkano ang budget ng “Coming Home.”

Ang dinig namin ay “Buy Bust” ni Anne Curtis ang Pinoy film na pinakamalaki ang ibinayad ng Netflix (US500,000 daw o P25M).

Samantala, gusto palang magka-sitcom o talk show ni Sen. Jinggoy at naghahanap pa raw siya ng airtime, either sa TV5, GMA o GMA News TV.

Sasali kaya siya sa mga magba-blocktimer sa TV5 gaya ng grupo ni Mr. Tony Tuviera na ilang shows ang ipo-produce sa Singko?

Sa ngayon ay gabi-gabi munang may pa-Facebook Live ang actor-politician na kung tawagin ng netizens ay ‘JingFlix.’

Tuwing 9PM ito at namimigay siya rito ng tatlong tablets at P500 sa 20 lucky viewers sa tulong ng sponsor niyang Fortune Bay na parang G-Cash.

Patuloy rin ang pamimigay niya ng bangus sa mga taga-San Juan kahit minsan na siyang nadala sa presinto dahil dito.

Sa fishpen pala ng mommy niya sa Zambales galing ang mga bangus, na nagsilakihan dahil sa pandemic at walang bumibili kaya ipinapamigay na lang niya bilang ayuda sa mga kababayan niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.