Abante Tonite Interactive

Makialam sa pag-alam

204

Dear Abante Tonite:

Ngayong marami ang nagaganap na mga sakuna, disgrasya o iba pang mahahalagang pangyayari sa ­lansangan at lipunan, mahalagang turuan natin ang sarili na mag-filter ng mga nakukuhang impormasyon mula sa iba’t ibang source.

Wala naman nang hirap ito sa ating panahon ngayon dahil puwedeng-puwedeng gumamit ng Google o iba pang search engine. Huwag lang puro Facebook na ­matagal nang nakitaan na madaling tool para ­magpakalat ng fake news.

Magsaliksik at kung alam ang katotohanan, huwag sanang hayaan na ito ay kumalat. Sabi nga makialam ka para matigil ang maling impormasyon.

Walang makapupuksa sa fake news kundi ang ­matutuhan natin ang proseso ng pag-alam para ­magkamalay at hindi ‘yung dedmanatics lang sa mga nangyayari sa paligid.

Magandang sample nito ang nangyayari ngayon sa pagsabog ng Taal Volcano.
Aba’y kung ano-ano na ang nakikitang post sa social media kasunod ng mga kaalaman umano ng kung ­sino-sino tungkol sa nangyaring pagsabog.

Sana naman ay mahinto na ito.
Karen ng Pasay City