Abante Tonite Interactive

Makiisa sa aking proyekto para sa mga frontliners

698

Kung maipapatupad ng gobyerno ang extension ng lockdown hanggang May, wala tayong magagawa kundi ang sumunod, para na rin sa kabutihan nang lahat at para magkaroon tayo ng peace of mind.

Pero I doubt kung mababalik pa sa dati ang normal nating buhay, dahil laging nasa likod ng ating isip na ang virus ay nasa paligid lang at kahit anong oras, kahit saan aatake yan para tayo ay mahawahan.

Totoo po na sa magiging mahirap para sa mga mahihirap ang extension, hindi gaya sa aming may kakayahang umabot pa sa dalawang linggo sa enhanced quarantine.

Nakakatakot isipin na kung hindi maagapan ng gobyerno ang COVID19, baka matulad tayo sa Amerika o sa Italy.

Babalik uli tayo sa simula nang quarantine at masasayang ang isinakripisyo natin ng isang buwan, mas malulugmok ang ekonomiya ng bansa.

Manalig lang po sa gobyerno at sa kanilang mga plano. Marami rin namang mga private sectors na nakakaluwag-luwag sa buhay ang siguradong maga-abot ng tulong para mamahagi ng pagkain sa mga mahihirap.

Kami at ang aking team, partners ay magsasagawa nang fund raising campaign para makatulong.

May mga natulungan na po ako pero hindi pa po sapat, dahil hindi naman ako mayamang-mayaman na tao. Ako po ay working class rin at walang trabaho dahil sa lockdown.

Alam naman nyo ang buhay ng ilang mga artista, na kung hindi magti-taping o gagawa nang pelikula walang kita.

Anyway, ipapanawagan namin sa aming mga supporters, followers, kaibigan na bumili ng aming mga products sa Ara’s Secret para may maibigay kaming tulong sa mga frontliners.

Sa bawat halaga na P350 na mabibili ninyo sa Ara’s Secret, isang frontliner po ang mapapakain o mabibigyan namin ng PPE. Ilalagay namin ang pangalan ng bumili sa aming product, sa bawat box (pagkain man o PPE) na ibibigay namin sa mga frontliner.

Yun pong profit ng product namin ay idu-donate namin sa mga pangangailangan ng mga frontliners.

Sa mga gustong makibahagi sa project-donation na ito, sa website po na @arassecret.com po kayo pumunta at doon po umorder.

Stay home po sa lahat, keep safe at God Bless po. Magdasal po tayo nang madalas ngayong nagsimula na ang observance ng Holy Week.

Ara’s Secret

The beauty of a woman is not in the clothes she wears, the figure she carries, or the way she combs her hair. The beauty of a woman is seen in her eyes, because that is the doorway to her heart, the place where love resides. True beauty in a woman is reflected in her soul. It’s the caring that she…
arassecret.com

Tonite – Wendys Inhouse Ad