Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Makikiburol na senior citizen, pinaglalamayan

0 224

SUMUNOD sa burol ng isang kamag-anak ang isang senior citizen nang masagasaan ng isang motorsiklo habang papatawid para makiburol sa Alfonso, Cavite.

Isinugod pa sa Poblete Hospital si Fernando Catacutan, 76, may-asawa, ng Brgy Taywanak, Ilaya, Alfonso, Cavite pero namatay din dahil sa matinding tama sa ulo. Hawak naman na ng pulisya ang driver ng

Related Posts

motorsiklong Bajaj Kawasaki na si Rey Laurio , 36, isang construction worker, ng Alfonso, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Boyet Soriano ng Alfonso Municipal Police Station, alas-10:00 Biyenes ng umaga nang maganap ang aksidente kung saan nakaalis na ng kanilang bahay ang biktima at patungo sana sa simbahan upang habulin ang isang kamag-anak na ibuburol.

Nahagip ito ng motorsiklo na ikinasawi nito. (Gene Aduara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.