Abante Tonite Interactive

Makikiuso ka ba sa ‘milk bottle manicure’?

0 120

Kakaibang nail art ang nauuso ngayon sa Moscow, Russia kung saan ginagamit na disensyo ng manicure ang milk bottle na may puting liquid na parang gatas sa loob nito.

Kung nag-trending noon ang creative inspiration ni Kylie Jenner na nail art mula sa kanyang anak na si Stormi at ilan pang mommy na nakaimbento ng sonogram-printed nails, kakaiba ang pausong ito ngayon sa Russia.

Sa lumabas na video tutorial, ipinakikita kung paano nagmimistulang maliit na feeding botlle na design sa manicure at ito ay nilalagyan sa loob ng puting liquid o formula.

Ginagawa ito sa kuko na may metallic base na nilalagyan ng parang plastic na nail art at papalibutan ng asul na tali o sticker sa paligid kung sana ang pinakadulo ay mistulang tsupon o nipple na siyang nilalagyan ng ‘gatas’ sa loob

Umani ng sari-saring reaksyon sa mga netizen ang pauso na ito bagama’t may ilang nag-like pero mas madami ang nagsabi na nakakadiri ito. “This is the most ridiculous thing I’ve ever seen. Who the hell put something like this on her nails. So stupid,” sabi pa sa reaksyon.