Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Makina sa pagtukoy ng COVID-19 kontaminado

0 155

Apektado ang pag-uulat ng Department of Health (DOH) sa mga bagong kaso ng COVID-19 variant sa bansa matapos na makontamina ang makinang ginagamit ng Philippine Genome Center (PGC).

“Nagkaroon ng contamination ‘yong kanilang mga makinang ginagamit. So kailangan magkaroon ng preventive maintenance,” pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa virtual briefing nitong Miyerkoles.

SM food to go Banner Ad

Sumulat na rin aniya sa DOH ang PGC at ipinaliwang ang nangyari sa ginagamit nilang gene sequencing machine. Maaari aniyang maglabas ng sequencing result ang PGC sa Biyernes o Sabado pa.

“Natapos na po ang ginawang maintenance procedures. At ngayon po, nagra-run tayo ng panibagong run dahil ‘yon ngang previous ay nagkaroon ng problema,” ayon kay Vergeire.

Leave A Reply

Your email address will not be published.