Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Makina sa pekeng yosi, winasak

0 117

Winasak ng Bureau of Customs (BoC) sa Port of Manila (PoM) ang mga nakumpiskang sigarilyo, makina na ginagawang pantatak sa label ng sigarilyo at iba pang materyales sa paggawa ng pekeng seal at label.

Bahagi ito ng kampanya ng ahensya upang malabanan ang smuggling at pagkalat ng iligal na sigarilyo.

SM food to go Banner Ad

Isinagawa ang pagsira sa condemnation facility sa Carmona, Cavite na nasaksihan ng ilang tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS), Auction and Cargo Disposal Division (ACDD) at kinatawan ng ilang port offices.

Tinatayang P32 milyon ang halaga ng mga winasak na produkto. Nakumpleto ito sa pamamagitan ng physical destruction. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.