Abante Tonite Interactive

Makinig lang kay Gen. Eleazar, tiyak walang sablay

By
353

Mainit na usapin ang kampanya ng pamahalaan kontra sa mga tambay sa kalye.

Aminin po natin, mayroong natuwa sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ubusin ang mga tambay sa kalye.

Kaisa kasi sila sa katuwiran ng Presidente na mabisang paraan ito upang maiwasan ang paglaganap ng krimen na kinasasangkutan ng mga tambay,
Para naman sa ilan, bakit kailangang pagdadamputin ang mga tambay kung wala namang ginagawang masama? Bawal na raw bang magpalipas ng oras sa kalye kung wala pa namang importanteng gagawin sa loob ng kanilang mga bahay?

Ganito rin ang pananaw ni National Capital Regional Police Officer (NCRPO) Director Guillermo Eleazar. Walang duda na suportado ng ating Mamang Pulis ang kampanya ni PRRD laban sa mga tambay. Ang ayaw lang niya ay ang pang-aabuso ng mga pulis sa pagpapatupad ng war against mga tambay sa kalye.

Iginiit ng hepe ng NCRPO na malinaw naman ang direktiba ng Presidente.

Arestuhin ang mga tambay na lumalabag sa batas o mga city ordinance. Klaro po ‘yan kababayan. Kasama po sa mga violation na ito ay ang pag-ihi sa mga pampublikong lugar, mga naninigarilyo sa mga bawal na lugar, mga nakahubad o walang suot na pang-itaas, mga nag-iinuman sa kalye, ‘yung mga sigang sumisigaw at nagwawala sa kalye, in short, ‘yung mga nanghihiram po ng tapang sa alak at akala mo ay nabili na nila ang kanilang mga lugar sa pag-iinarte.

Kamakailan lang po, sinibak sa puwesto ni Gen. Eleazar ang ilang Makati pulis at hepe ng presinto nito dahil sa pag-imbita at pagkulong sa mga sinitang call center agent na pauwi na nang hatinggabi.

Sabi ni Eleazar, maliwanag na hindi alam ng mga pulis na ito ang kanilang trabaho.

Related Posts

“Hindi mo puwedeng dalhin o imbitahan ang tao o mga taong walang nilalabag na batas o ordinansa. Ang mas masama, ipinasok mo pa sa kulungan nang walang kaso,” ang sabi ng ating Mamang Pulis.

Dahil dito kung kaya nag-isyu si Ge­neral ng direktiba sa mga roa­ming team sa gabi na pamumunuan ng isang senior official.

Kapag inisip niyo nga naman, paano nakapasa sa exam ang mga pulis na palpak na tulad ng sinibak ni Eleazar?

Ang dapat siguro gawin ng ating mga pulis sa Metro Manila ay panoorin o pakinggan lahat ang mga interview kay Gen. Eleazar sa radyo at telebisyon.

Sa ganitong paraan ay makakakuha o matututo sila ng basic pointer sa pagpupulis.

May mga radyo at telebisyon naman sa halos lahat ng presinto sa Metro Manila kung kaya hindi nila maaa­ring ikatuwiran na hindi nila alam ito.

Suggestion lang din po, dapat ay magpadala rin ang NCRPO Public Information Office ng schedule ng mga interview kay Gen. ­Eleazar para madinig mismo ng mga pulis sa presinto ang mga poin­ter at mga direktiba ng ating NCRPO chief.

Aba eh, pustahan po tayo, kung makikinig lang sila at susunod sa mga sinasabi ni Gen. Eleazar, mas magi­ging epektibo ang mga pulis at mababawasan ang kanilang mga bulilyaso. Iwas sablay, iwas sibak ‘di po ba?