Abante Tonite Interactive

Makipag-ugnayan sa Meralco

LET’S CLEAR IT

By
0 131

Good day Ma’am Claire,

Isa po ang sa mga nagbabasa ng mga payo ninyo sa pahayagan ng TONITE nag-email po ako sa inyo upang humingi din ng gabay kung ano ang dapat gawin ko sa tamang proseso.

May nakuha kasi ako na bahay sa pag-IBIG, na-acquired ko po mismo sa kanila.

Ngayon nang mag-apply ako ng kur­yente sabi sa akin ng Meralco bayaran ko muna ang iniwanang bill ng dating nakatira sa bahay na nakuha ko.

Ang tanong ko po ay tama ba na bayaran ko ito sa Meralco, gusto ko na kasi palagyan ngayon ng kuryente na panibago sa aking pangalan. Ganu’n din po sa water. Sana mabigyan ninyo po ako magandang gagawin. Inilapit ko na rin sa pag-IBIG ngunit sabi nila ay wala na raw silang pakialam sa ganu’ng transaction.

Maraming Salamat,
Gilbert

Mr. Gilbert,

Ang una po ninyong gawin at sulatan ang Meralco at ipagbigay-alam na kayo na ang nakabili ng ari-arian mula sa Pag-IBIG at ipakita ang Deed of Sale upang malaman nila kung kailan lamang ninyo ito nabili.

Kung ang linya at meter ay nakapangalan sa dating may-ari ng bahay ay iyon ang dapat nilang habulin at hindi ang bagong nakabili na walang kinalaman sa konsumong hindi nabayaran. Kaya mas mainam na malaman mo mula sa Pag-IBIG kung sino ba ang dating naninirahan sa nasabing lugar upang makatulong sa iyong pag-request sa Meralco.

Makipag-ugnayan sa Meralco dahil sa aking pagkakaalam ay kung maipapaliwanag ng maayos ang iyong situwasyon at mag-a-apply ka para magkaroon ng linya bilang bagong may-ari ay hindi naman nila ipipilit na bayaran ang utang ng iba.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com