Abante Tonite Interactive

Makisaya at manalo sa Fiestag

By
579

Mga klasmeyt, ma­kisaya tayo ngayong araw sa Fiestag 2018 na gaganapin sa Halls 1-3, SMX Convention Center Pasay City.

Hanggang Linggo ito mga kasabong kaya makakapamili tayo ng araw na pupuntahan.

Punta tayo mga kasabong, may Stags na ipapa-raffle at may mga Gamefowl Seminar din.

Abante Hiring – IT dep

Baka may makursunadahan din tayong bilhin para ipang-breed.

***

Kung dadayo kayo ng derby sa ibang baya­n at aabutin ng tatlong oras, mas mainam po kung madaling araw kayo bibiyahe.

Para iwas stress sa mga panlaban natin at makaiwas na rin sa traffic.

Madali at maaga tayo makakarating sa sabungan at makakapagpahinga nang mahaba ang ating mga panlaban.

***
Batiin natin mga klasmeyt ang Batang Gilas, tinalo nila sa knockout quarterfinals ang makukulit na Bahrain 67-52 kahapon sa 2018 FIBA Under-18 Asian Championship sa Stadium 29 sa Nonthaburi, Thailand.

Medyo kinabahan pa ang Pinoy fans sa second quarter matapos makalamang ang Bahrain pero matibay ang mga player natin.

Good luck.