Abante Tonite Interactive

Makisig hinahabol ng babae

1,764

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Papatol pa ba tayo sa hinaing at poot of a the WHO na sister supposedly of Makisig Morales? Sa mga mahusay manaliksik, kayo na lang ang pumatol at baka puwede niyong pagpayuhan si ate girl na huwag na siyang kumuda at humanash sa social media. Young miss, kesa magtatarang ka sa posting mo, ano ba namang tawagan mo na lang si Morales para kwentas claras kaagad o kaya kung alam mo ang kanyang email address, ano ba namang mag-private message ka, ning? Kailangan ba talaga ‘pag may hinaing sa social media ito sinasambulat?

Ang kapatid mo bang dating kasinta­han ni Makisig, alam ang ginawa mong ito? Kinatuwa niya ba at sinabing bibang-biba ka? O natuliro at nabihang dahil nga nag-atribida ka?

Kahabol-habol ba talaga si Makisig? Sa sa true lang, ang diva that you ang fee­ling ko talaga, real life incarnation ni Hiccup, yung bidang lalaki sa How to Train Your Dragon. Kaya nga takang-takang ako na may mga babaeng naakit sa kanya.

Wala rin naman akong pakels sa bago niyang gurl-let. Kaya hayaan na si Makisig sa kanyang pagiging matulis. Marami pa namang ibang lalaki diyan.

Richard nag-drive ng walang tulog

Si Richard Quan ang ama ni Ronwaldo Martin sa 1957, isang historical drama after the Japanese war.

“Sobrang interesting ang character, gusto yung script eh. Ito kasi yung film na what it promised, lahat naibigay,” kuwento ni Quan.

“Isa sa mga crazy thing na ginawa ko para maging believable ako bilang Car­ding. Ang ginagawa ko, para magmukhang brooding at pagod, sinadya kong mag-drive ng four hours mula sa taping na walang tulog to get the look,” sabi pa ni Richard.

Pagtatapos ng mahusay na aktor, “Yung issue ng land reform andiyan pa rin. Yung issue na yan, presented sa movie. Isa itong eye ope­ner saka It will make us appreciate more the grace and food on our table, mula kanin, ulam gulay at prutas, mag magsasaka natin ang nagpapakahirap diyan. Kaya dapat natin silang pasala­matan.”