Abante Tonite Interactive

Makitid ang daan kay Simpson, Aces sa quarter finals

318

Delikado ang tayo ng Alaska sa PBA Commissioner’s Cup.

Natalo sa Blackwater 112-104 nitong Linggo – panlimang sunod – at napigil sa 4-7 ang Aces, nakibuhol sa Phoenix sa 8th-9th. Pero nalaglag sa ninth ang Alaska dahil yumuko din sa Fuel Masters 78-76 sa eliminations.

May ga-buhok na tsansa ang Alaska na pumasok sa quarterfinals, pero nakadepende ‘yun sa magiging resulta ng San Miguel-Meralco game sa pagtatapos ng eliminations bukas.

Nasa 10th ang Bolts sa 3-7, kapag nanalo ay aakbayan ang Phoenix at Alaska. Sakaling magkaroon ng tie sa No 8, dedesisyunan sa isang knockout game ang ookupa ng huling silya sa quarters.

Kapag nanalo ang Bolts, sila ng Phoenix ang dadaan sa playoff dahil sa mas mataas na quotient sa Alaska. Kung matatalo ang Meralco, Fuel Masters at Aces ang magsisipaan.

Hangga’t bukas ang oportunidad, hindi nawawalan ng pag-asa si Alex Compton.
“As long as there is life left, we’re going to honor the game,” giit ng Aces coach. “Apparently, we still have a sliver breath of hope. We’re going to fight for that.” (Vladi Eduarte)