Abante Tonite Interactive

Makunat si MVP!

752
Hindi akalain minsan habang nag-iinuman ang isang grupo ng magkakaibigan na kanilang maobserbahan ang pagiging belekoy o makunat ng isang dating naging Finals Most Valua­ble Player.

 

Katatapos lamang ng laban ng koponan ng matangkad na player kaya pagkatapos nitong magbihis ay nakihalo ito sa masayang pagkukuwentuhan ng kanyang mga kaibigan na nakatapos na rin ng kanilang trabaho.

 

Habang masaya ang grupo na nagkukulitan ay may isang matanda na lumapit kay Finals MVP para mamalimos ng kanyang maipangkakain.
Inabutan naman ni Finals MVP ng pagkain ang namamalimos na matanda subalit hindi nagkasya ang pulubi sa bigay na nakabalot na pagkain at muling nanghingi.
Umakto na kukuha ng barya si Finals MVP subalit wala itong nakapa sa kanyang bulsa dahil naiwan sa kanyang magarang kotse ang kanyang mga gamit.
Isang kaibigan nito ang kumuha sa kanyang coin purse at iniabot ang P10 sa namamalimos.
Bigla na lamang nagsalita si Finals MVP na “ang laki naman ng ibinigay mo.”
Nagkatinginan na lamang ang mga magkakaibigang nag-iinuman saka iniba ang usapan at muling nagtawanan.