Abante Tonite Interactive

Mala-impiyernong Game 4 para sa Ateneo — Pumaren

323

Susubukan ng Cignal-Ateneo na tapusin na ang Centro Escolar University sa Game 4 ng 2019 PBA D-League Finals mamaya sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Walang pinatawad sa depensa ni Ange Kouame, naglista ng 9 blocks nang ibaon ng Blue Eagles ang Scorpions 67-52 sa Game 3 noong Huwebes para sa 2-1 lead sa best-of-five series.

May 10 points at 9 rebounds ang Ivorian, panahog sa 12 points ni Thirdy Ravena na nagbaba rin 8 boards. Sina Kouame, Ravena, MVP Isaac Go, Mike Nieto at Adrian Wong pa rin ang babandera sa mga taga-Katipunan.

Abot-kamay na ang titulo, pero ayaw pang maniguro ni coach Sandy Arespacochaga.

“We have to play each game and be pre-sent for each game,” aniya. “We cannot look past every game and we have to make sure we do our job for the next game.”

Kulang sa tao ang CEU, pero ‘di basta titiklop.

“Like what I said before, these boys are already champions in my eyes,” giit ni coach Derrick Pumaren sa kanyang lineup na pito lang pero nakarating pa hanggang finals. “Whatever happens, we’re just going to go out and try to give a hell of a fight to Ateneo.”

Kakailanganin ni Senegalese big man Maodo Malick Diouf, nagsumite ng 19 points at 20 rebounds noong huli, ang ayuda nina Rich Guinitaran at Jerome Santos. (Vladi Eduarte)