Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mala-impiyernong sunog: 4 todas, 4 pa nalapnos

0 46

Patay ang apat katao habang sugatan ang apat na iba pa matapos ang mahigit 3-oras na sunog sa isang bahay sa Buhangin, Davao City Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni Police Col Kirby John Kraft, Davao City Police Director, ang nasawing sina Jag Loise Barbie, 19; Nathaniel Barbie, 8; Ivan Gabriel Nangasca, 8; at Angel Mae Lopez, 14-anyos.

Sugatan naman ang apat na iba pa na sina Jerson Padayag, 31; Julia Baribe, 16; Eunice Nengasca, 12; at isang alyas Garte, 20-anyos.

Ayon kay Kraft, base na rin sa impormasyon ng Cabatian Fire Station, naganap ang insidente alas-3:45 ng madaling araw nang masunog ang bahay ng isang Jonathan Baribe sa San Juan Phase 1 Laverna Hills Buhangin, Davao City habang nasa kasarapan ng tulog ang mga biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mabilis ang pagkalat ng apoy dahilan upang makulong ang apat na nasawi. Suwerte namang nakalabas ang apat na iba pang nagtamo din ng mga paso at sunog sa katawan.

Sa tulong ng Buhangin Fire Station, Cabantian Fire Fighters, Central 911 Fire Rescue Services, Fire Fighters Davao Rescue at Filipino Chinese Fire Fighters ay nasawata ang apoy at ideklarang fire under control alas-6:58 ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na electrical short circuit dahilan ng pag-overload ng kuryente ang dahilan ng sunog. Tinataya namang P3 milyong ari-arian ang naabo. (Edwin Balasa/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.