Abante Tonite Interactive

Mala-muffler ang utot!

454

‘Gandang umaga mga boss!

Mapagmasid pero tahimik akong tao pero mula nang mabasa ko ang mga napa-publish ninyo dito ay nagkaroon ako ng interes na ibahagi ang mga namo-monitor ko sa kapitbahay ko.

‘Tsaka hindi naman papangalanan at karamihan naman sa nagpapadala ng sulat dito ay walang eksaktong address kaya kuwento ko na rin, bahala siya kung mabasa man niya!

Kung ututan lang naman kasi ang pag-uusapan parang puwedeng ilaban sa Guinness book of world records sa tindi ng pinaggagawa ng kapitbahay ko na ito.

Magkatabing-magkatabi kami sa townhouse at abot hanggang kisame ang pader sa pagitan ng unit namin kaya dinig na dinig ko lagi ang mga tunog na nagmumula sa kanila.

Tuwing alas-dos nang hapon, kung kailan nagbabalak kang magsiyesta ay saka ‘yan tatambay sa bandang garahe nila, (pero ginawang extension ng sala dahil pareho naman kaming walang kotse) at uutot na parang muffler ng dyip ang tunog.

Akala yata ng kumag ay walang tao sa katabing unit kaya raratrat ng utot na halos mabutas karsunsilyo niya.

Pero minsan ay naramdaman siguro niyang napapalakas masyado ang kanyang pag-utot kaya medyo nagpipigil na siya lately at nagpapatugtog na ng stereo para masabayan ang tunog ng pagbirada niya!

Pero too late na, ilang beses na akong nabiktima ng mala-muffler niyang utot eh! Kabastos na pag-uugali!

Wilfredo ng Bagumbayan, Caloocan