Abante Tonite Interactive

Mala-NCC program sa Gilas

0 287

TURNING POINT
RAMIL D. CRUZ

Tapos na ang kampanya ng ating national men’s basketball team o Gilas Pilipinas sa 18th International Basketball Federation (FIBA) World Cup 2019 sa China kahit sa Linggo, Setyembre 15 pa ang tapos ng quadrennial hoopfest.

Huwag nang magsisihan. ‘Di maganda yan.

Dapat magkaroon ng basketball congress siguro.

At marahil para ‘di na maulit ang mga nakapanlulumo at nakadidismayang mga kampanya natin, kasama ang sa Spain 2015 World Cup na may 1 lang tayong panalo, magkaroon ng kongkretong programa ang basketball stakeholders natin sa pangunguna ng Samahang Bsketbol ng Pilipinas (SBP) at Philippine Basketball Association (PBA).

Baka umubra ang pormula ng 1980-86 Northern Cement Corporation ni sportsman/businessman at dating Ambassador Eduardo Cojuangco, Jr.

Matagal na magkakasama dati ang dating PH 5 sa pangunguna nina Dennis Still, Arthur Engelland at Jeffrey Moore. Naroon din sina Allan Caidic, Avelino Lim, Jr., Hector Calma, Yves Dignadice, Franz Pumaren at iba pa.
Maganda rin ang narating ng team sa mga sinabakang torneo. Paki-silip ninyo sa Google. ‘Di na po kasya rito e.

Hinihiling nina national coach Joseller Guiao at Robert Lee Bolick, Jr. na sana magkaroon ng taong tagal na training para sa World Cup at ‘di nang ilang araw, linggo o buwan lang. ‘Yan anila para may marating naman sa susunod ang ating national quaintet.

Sang-ayon po ako sa dalawa. Kung naging epektibo naman noon ang NCC program, bakit ‘di ngayon. Ganun naman ang ginagawa ng mga kalaban natin.