Abante Tonite Interactive

Mala-Ondoy na ulan babala ng Pagasa

405

Nagbabala kahapon ang weather bureau sa publiko na maghanda at maging alerto sa mga nararanasang biglaang pag-ulan, dahil ito ay maaaring maihalintulad sa Typhoon ‘Ondoy’ kung saan nilubog ng baha ang Metro Manila at mga lalawigan noong 2009, at mahigit sa 400 katao ang namatay.

Sa news conference, sinabi ni Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) administrator Vicente Malano, malaki ang posibilidad na ang mga bagyong darating ay malala­kas at maraming tubig ang ibabagsak sa kabila ng na­naig na El Niño dry spell.

“During an El Niño, it is hotter, and the air has a higher capacity to evaporate water. Clouds are formed of water droplets due to evaporation, and when these droplets become heavy, they fall as rain,” paliwanag ni Malano.

“We are not looking into the number of tropical cyclones that would enter the country when there is El Niño. But we are considering the intensity of the rains the cyclone would bring. You can expect an Ondoy-like cyclone,” dagdag pa ng admi­nistrator ng Pagasa.

Una nang inilunsad ng Pag-asa ang warning system para sa ‘storm surge’ kasabay ng paggunita sa typhoon & flood awareness week upang lubos na mapaghandaan ang pinsala ng paparating na bagyo.

Ang bagong warning system ay tested na noong nakaraang taon, buwan ng Setyembre sa kasagsagan ng bagyong Ompong, at ito ay color-coded rin na may representasyon ng apat na kulay.

Kapag ‘blue’ o asul, ang dalu­yong ay less than one meter; ‘yellow’ na nangangahulugang ‘be ready’ at ang storm surge ay may taas na isa hanggang dalawang metro; ‘orange’ kung aabot sa 2 to 3 meters ang taas ng alon; at red, kung mahigit sa tatlong metro.

Mayroon ding ilalabas na storm surge watch na magaganap sa susunod na 48 oras; at storm surge warning na ang i-isyu, kung ito ay magaganap sa loob ng bente kuwatro oras. (Dolly Cabreza/ Tina Mendoza)