Abante Tonite Interactive

Mala-pakwan/papaya na boobs ni Paolo pinagpiyestahan

By
39

HUMAKOT na naman ng papuri sa mga taga-Colombia ang make up transformation ni Paolo Ballesteros kay Miss Colombia, Laura Gonzales. May mga nagsasabi na sobrang husay talaga ni Paolo sa pagmi-make up.

Nag-react na rin si Miss Jamaica Davina Bennet sa panggagaya sa mukha niya ni Paolo.

At siyempre, sobrang kinilig si Paolo sa reaksiyon na ‘yon ng beauty queen mula sa Jamaica.

Related Posts

“@davina_bennett_ yihiii!” sabi ni Paolo na kilig na kilig sa pagpansin sa kanya ni Miss Jamaica.

Bukod sa make up, naaliw din ang netizen sa pa-boobs ni Paolo sa Instagram. Naglagay nga ng fake silicon boobs si Paolo.

Mala-pakwan sa laki ang boobs na ginamit ni Paolo sa itsura ni Miss Colombia, na sa taas ng pagkakadikit nito halos umabot na ito sa kanyang balikat.

Mala-papaya namang pababa ang boobs na inilagay ni Paolo sa make-up transformation niya kay Miss Jamaica na hindi pantay ang bawat isa.

Sinusulat ang item na ito, wala pang reaction si Miss Colombia kay Paolo.