Abante Tonite Interactive

Malabanan, Soltones tinapos ang F2 Logistics

0 259

Sinandalan ng PLDT Home Fibr Power Hitters si Jerrili Malabanan sa endgame upang silatin ang powerhouse F2 Logistics, 25-21, 26-28, 15-25, 25-19, 15-11 sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Corpus Christi Gym sa Cagayan De Oro Sabado ng gabi.

Tabla sa 8-8 ang iskor sa fifth set, umiskor si Malabanan ng apat na puntos upang pangunahan ang 6-2 run ng Power Hitters at hawakan ang 14-11 set point advantage.

Tinapos ni former NCAA Most Valuable Player (MVP) Grethcel Soltones ng isang malutong na palo upang sikwatin ng PLDT ang pang-anim na panalo sa 14 na laro.

Tumikada si Soltones ng 21 points mula sa 19 kills at dalawang service aces habang may 21 puntos din si Malabanan kasama ang 18 spikes at tatlong service aces.

“I’m happy for my team. Everyone played well. Especially Jerrili she really played great in the fifth set,” saad ni PLDT head coach Roger Gorayeb. (Elech Dawa)