Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malabo pa tanggal face mask sa Pasko

0 100

Huwag munang umasa ang mga Pinoy na mahuhubad na ang face mask sa mga pampublikong lugar sa lalong madaling panahon.

Ito’y dahil sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na posibleng tumagal pa hanggang 2022 ang pagbabakuna ng bansa kontra COVID-19.

Ayon kay Duque, made-delay ang pagtatanggal ng mandatory face mask na target sanang mangyari sa Disyembre ngayong taon.

“‘Wag muna nating asahan ‘yan kasi mapo-frustrate lang tayo na umaasa tayo, pinaaasa natin ang taumbayan eh hindi naman natin kontrolado ang supply,” paliwanag ni Duque.(Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.