Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malabon cong winakwak ng anak sa Kapamilya vote

0 987

Viral sa social media ang pambabatikos ng isang anak sa kanyang inang kongresista dahil sa sukdulang galit umano matapos na bomoto ito pabor sa pagbasura ng franchise renewal ng ABS-CBN noong Biyernes.

Sa tweet ng anak ni Malabon City Rep. Jaye Lacson-Noel na si Kito (@marupokpokito), lantaran nitong winakwak ang inang mambabatas nang tawagin niya itong duwag at isang “facist” dahil nagpadala umano sa “pressure ng mga nasa itaas”.

“Damn my mom really voted for the terror bill AND for denial of franchise renewal for abs-cbn? Pick a struggle and go you fascist,” tweet ni @marupokpokito.

Sa isang bagong tweet, nag-update pa ito na hindi pala bomoto ang kanyang ina at inutusan lang ang kasamang kongresista na bomoto ng “Yes” para sa kanya.

“UPDATE: My mom didn’t vote herself. She deputized another Representative to vote in her place who voted YES on Denial So in this instance she’s just a coward who was scared of pressure from upstairs. Still voted yes on the anti-terror bill tho so she’s still a fascist,” dagdag niya.

Bagamat nirerespeto ng ina at asawa nitong si dating Anwaray Rep. Bem Noel ang opinyon ng anak sa isyu ng ABS-CBN franchise, sinabi ng isang malapit sa pamilya Noel na ikinalungkot ng mga ito ang inasal ng kanilang anak dahil sa lantarang pambabastos at kawalang-galang sa kanyang mga magulang.

Umani naman ng batikos mula sa mga netizen ang pambabastos umano ng anak sa kanyang mga magulang. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.