Abante Tonite Interactive

Malabon wagi na naman

458

Sa ikatlong sunod na taon ay muli na namang ginawaran ang Malabon City ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pamumuno ni Mayor Lenlen Oreta.

Ang SGLG ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng DILG sa mga lokal na pamahalaan na nagpamalas ng mahusay at tapat na paglilingkod. Nakatanggap din ng parehong pagkilala ang Malabon noong 2017 at 2018.

Hindi rin talaga papatalo ang Malabon dahil malaki na rin ang iniunlad ng lungsod sa ilalim ni Mayor Lenlen. Ang SGLG award ay iginagawad sa mga LGU na nakapasa sa mga pangunahing pamantayan sa larangan ng pangangasiwa sa pananalapi; paghahanda sa sakuna; panlipunang proteksyon; kapayapaan at kaayusan; pagkamagiliw at competitiveness ng negosyo; pangangalaga sa kapaligiran; turismo kultura at ng sining. Bigtime na rin ang Malabon dahil pati ang mga isyu noon na pagbaha ay malaki na ang improvement ngayon.

Noong nakaraang buwan, kinilala rin ang Malabon City bilang Most Improved Highly Urbanized City ng Department of Trade and Industry, Finalist sa 2019 Most Business-Friendly LGU, at 1st Runner-up naman ang Tambo­bong Festival ng lungsod sa DOT-ATOP Pearl Awards – Best Festival as a Commemorative for Historical Events.

Ayon pa kay Mayor Oreta, ang bagong parangal na ito ay isang patunay ng maayos at progresibong pamamalakad ng lokal na pamahalaan sa Malabon. Sana ay magtuloy-tuloy pa ang tuluyang pag-angat ng lungsod at pagbutihin pang lalo ni mayor ang sebisyo publiko na marka ng mga Aquino-Oreta para maging huwaran ang mga Malabonian sa ibang siyudad sa Metro Manila.