Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang aprub sa vaccination ng 100K POGO worker

0 81

Wala umanong impormasyon ang Malacañang sa ibinunyag ng social activist na si Teresita Ang See na mahigit 100,000 Chinese na nasa industriya ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ang nabakunahan na kontra COVID-19 mula sa nasabing bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kung totoo man ang isiniwalat ni See ay bentahe ito sa gobyerno dahil malaking kabawasan ito sa mga posibleng carrier ng virus na maaring kumalat sa bansa.

“Wala akong impormasyon. Kung totoo man, eh ‘di mabuti! One hundred thousand less possible carriers of the COVID-19 virus,” ani Roque.

Wala rin umanong impormasyon si Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana hinggil sa pagbakuna sa mga POGO worker. Posible umano na sa China nabakunahan ang mga ito at kung pinsulit man ang mga vaccine ay wala itong impormasyon.

Samantala, pananagutin umano ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga opisyal ng gobyerno na nagbigay ng go signal sa kontrobersiyal na Sinopharm vaccine na tinurok sa mga miyembro ng Presidential Security Group sa kabila ng walang autorisasyon mula sa Food and Drugs Administration (FDA).

“If we have enough evidence, then definitely yes,” ayon kay NBI spokesperson Ferdinand Lavin. (Aileen Taliping/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.