Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang aprub sa virus vaccination ng mga LGU

0 76

Para sa Malacañang, paborable sa national government ang intensiyon ng mga local government unit (LGU) na bumili ng sariling bakuna para sa kanilang constituent.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero pinaalala ni Presidential Spokesman Harry Roque na kailangan pa ring sumunod ng mga LGO sa proseso ng national government dahil walang LGU na direktang makakabili nito. Si vaccine czar Secretary Carlito Galvez aniya ang nakikipag-usap sa mga pharmaceutical company kaya kailangang makipag-ugnayan sa kalihim ang mga alkalde.

Sabi pa ni Roque, “Pagdating sa pondo bakit naman tayo tatanggi doon sa pondo na nilaan na para sa bakuna, samantalang ang plano natin ay umutang pa para pambili ng bakuna. Kung nandiyan po ang pera nila at inilaan iyon para sa bakuna, bakit naman tatanggi ang national government.” (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.