Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang aprub tapyasan pondo ng NTF-ELCAC

0 106

Sinuportahan ng Malacañang ang mga mungkahi na tapyasan ang anti-insurgency fund ng gobyerno para gamiting pang-ayuda sa mga lugar na hinagupit ng bagyong `Rolly’.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa mandato ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na ibahagi ang pondo nito para sa ibang programa ng gobyerno.

Paliwanag pa ni Roque, layon ng NTC-ELCAC na isulong ang pagpapaunlad sa mga lugar na mayroong mga rebelde dahil alam nila na kahirapan ang isa sa mga ugat ng insurgency.

Kaya wala umano siyang nakikitang “inconsistency” kung gagamitin ang pondo ng NTF-ELCAC sa mga sinalanta ng bagyo lalo pa aniya “hotbed” ng insurgency ang Bicol na matinding hinagupit ni `Rolly’. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.