Abante Tonite Interactive

MALACAÑANG ATRAS SA HAMON NI JOMA

By
15

Walang rason, ayon sa Malacañang, para tugunan ang hamon ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na ilantad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang medical records nito.

“Those are two different issues. The President has again and again ­declared…and we can see that he is pretty much in control of his …phy­siology. He seems to be in the best of health,” paghahayag ni Presidential spokesperson Ernesto Abella sa press briefing sa Malacañang kahapon.

Nang tanungin ng media si Abella kung nakahanda ang Malacañang na ilantad sa publiko ang medical records ni PDu30 ay ganito ang naging sagot ng tagapagsalita ng Palasyo, “there’s really no need to do that. As far as I can see, there’s really no need to do that.”

Samantala, ayaw­ nang gatungan ng Malacañang ang palitan ng patutsada nina Duterte at Sison.

“Those are… I believe those are really expanded statements. No reaction,” ani pa ni Abella.

Matatandaan na sa isang pagtitipon sa Malacañang nitong Martes ng gabi ay sinabihan ni PDu30 si Sison na magpakamatay na lang.

Pero buwelta naman ni Sison si Duterte ang dapat magpakonsulta sa psychiatrist dahil may problema umano sa pag-iisip ang Punong Ehe­kutibo.