Abante Tonite Interactive

Malacañang atras sa pagkaso sa China

By
1 2,394

Walang plano ang Malacañang na magsampa ng kaso ­laban sa ­China sa pagkasira ng mga coral reef sa Scarborough Shoal.

Sa kabila ito ng pag-amin ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. na sinira ng mga mangingisdang Chinese ang coral reefs at kinuha ang mga giant clam sa lugar.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, naniniwala ang administrasyon sa diplomasya at maganda naman ang resulta ng ginagawang konsultasyon at negosasyon sa China.

Bukod dito, sinabi ni Roque na may umiiral na bilateral consultation mechanism sa China at batay sa mga nagdaang diskusyon ay nagkasundo ang dalawang bansa na poproteksyunan at pangangalagaan ang yamang-dagat at parurusahan ang mga hindi sumusunod sa pa­nuntunan.

“The administration believes in diplomacy and we are a witness to how our friendly consultation and negotiation with China yielded positive results. We have had continuous discussions on environmental issues with China and both countries are committed to protecting and preserving the environment and to deal strictly with those who do not abide by relevant regulations,” ani Roque.

Sinabi ni Roque na kapag nagsampa ng panibagong kaso laban sa China ay tiyak na makokompromiso ang mga diplomatic gain na pinaghirapan ng bansa mula sa dating nagka­lamat na relasyon.

“Filing a new case against China will reverse our diplomatic gains, not to mention the cost it entails. We can therefore discuss the issue of destroyed co­ral reefs in Scarbo­rough Shoal as this forms part of the area of maritime environmental protection instead of filing a new case,” dagdag pa ni Roque.

Nauna rito, iginiit ni acting Supreme Court Chief Justice Antonio Carpio na dapat magsampa ng panibagong kaso laban sa China sa International Court of Arbitration sa The Hague dahil sa ginawa ng mga mangi­ngisdang Tsino sa Panatag o Scarborough Shoal.