Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang binati mga atletang Pinoy sa tagumpay ng SEAG

0 104

Nagpaabot ng mainit na pagbati ang Malacañang sa Philippine Team na nakilahok sa katatapos na Southeast Asian Games sa Vietnam.

Sinabi ni acting Presidential Spokesman Martin Andanar na nagpapasalamat ang Palasyo sa karangalang ibinigay ng mga atleta sa Pilipinas dahil ipinakita ng mga ito sa buong mundo ang angking galing at kakayahan ng mga Pilipino sa larangan ng palakasan.

SM food to go Banner Ad

Humakot aniya ng mga medalya ang Philippine Team na tunay na maipagmamalaki ng mga Pilipino.

“Mabuhay ang galing ng atletang Pinoy sa Hanoi. Nakapag-uwi po ang ating mga pambansang atleta ng 52 gold medals, 70 silver medals at 107 bronze medals sa pagtatapos ng Southeast Asian Games sa Vietnam. Pang-apat po ang Pilipinas sa labing-isang kalahok na bansa. Maraming-mara­ming salamat po sa karangalang ibinigay ninyo sa Pilipinas,” ani Andanar. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.