Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang binida pagbaba ng inflation

0 161

Ipinagmalaki ng Malacañang na bumaba ang inflation rate sa huling buwan ng 2021.

Sinabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na mula sa naitalang 4.2% noong Nobyembre, naging 3.6% na lamang ito noong Disyembre 2021.

Giit ni Nograles malaking factor sa pagbaba ng inflation ay ang pagbaba ng presyo ng isda at gulay na dati ay mas mahal pa sa ibang pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Bumaba ang ating inflation mula 4.2% noong Nobyembre 2021 patungong 3.6% nitong Disyembre 2021 bunsod ng pagbaba ng presyo ng isda at gulay,” ani Nograles.

Sinabi ng kalihim na ito ang pinakamababang inflation na naitala sa 2021 at umaasang magtuloy-tuloy ito para maka­bawi ang bansa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.