Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang: China bakuna `wag sisihin sa COVID sirit

0 8

Hindi kumbinsido ang Malacañang na ang paggamit ng Chinese bakuna sa ilang bansa ang dahilan ng pagtaas muli ng mga kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mas naniniwala siyang naging kampante ang mga tao matapos makabunahan at hindi na sinunod ang mga basic health protocol kaya tumaas muli ang COVID-19 infection.

Ginawang halimbawa ni Roque ang Inglatera na gumamit ng sarili nilang bakuna at hindi Chinese vaccine subalit nagkaroon pa rin ng panibagong pagsirit ng coronavirus infection.

“`Wag na muna nating tanggapin `yang conclusion na nagkakaroon ng resurgence sa mga bansa na ginamit ang predominantly Chinese, kasi pati sa Inglatera na ang ginamit nila AstraZeneca halos lahat, halos 100% dahil doon gawa ang AstraZeneca eh nagkaroon din ng resurgence,” ani Roque.

“I dont think na may kinalaman `yong bakuna sa resurgence, kung hindi siguro nagkakaroon sila ng false sense of security dahil marami na ang nabakunahan eh nagpapabaya na sila sa mask, hugas, iwas,” ani Roque.

Sinabi ni Roque na hangga’t wala pang herd immunity sa isang bansa ay dapat na gawin pa rin ang pagsusuot ng face mask, malimit na paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa mga matataong lugar. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.