Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang dedma sa NAIA gawing Macoy airport

0 97

Dumistansiya ang Malacañang sa mungkahi ng isang kongresista na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport at gawin itong Ferdinand E. Marcos International Airport.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na hindi magkokomento ang Malacañang dahil hindi pa naman naaksiyunan ang panukalang batas na inihain ni Negros Oriental 3rd district representative Arnolfo Teves Jr.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi pa aniya nasimulan ang first reading kaya walang dahilan para magkomento sa isyu.

“Malacañang has no comment yet on this one. It’s just been filed, after all wala pang first reading so any reaction would be premature,” ani Sec. Angeles. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.