Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacanang ‘di atat sa Bayanihan 3

0 183

Malamig ang Palasyo ng Malacañang sa ipinasang Bayanihan 3 ng Kamara na naglalayong tugunan ang idinulot na epekto sa ekonomiya at lipunan ng COVID pandemic.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hihintayin ng Palasyo ang magiging report ng economic team para mabatid kung may sapat na pondo para sa Bayanihan 3.

“Dalawa pong bagay: Number one is iyong consistent position ng economic managers na tingnan muna natin kung pupuwede nating gamitin iyong existing national budget for 2021 at iyong mayroon pang mga butal na mga halaga under Bayanihan 2 bago mag-Bayanihan 3,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na dapat din munang malaman sa National Treasury kung mayroong pang pera para mapondohan ang Bayanihan 3.

Pero nagpasalamat pa rin si Roque sa Kamara sa pagpasa sa Bayanihan 3 dahil kung sakaling kakailangain ito aniya ay nakasalya na at hindi na magkukumahog pa para sa supplemental budget. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.