Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang dinipensa 254 bagong kotse ng DepEd

0 367

Ipinagtanggol ng Malacañang ang pagbili ng Department of Education (DepEd) ng 254 unit ng Mitsubishi pick-up na nagkakahalaga ng P1.4 milyon kada isa.

Sa harap ito ng puna ng mga kritiko na itinaon pa umano ang pagbili ng mga sasakyan sa panahon ng pandemya kung saan maraming mas dapat na iprayoridad ng gobyerno.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na 2016 pa ang planong ito ng DepEd at napondohan lamang noong 2019.

“Lahat po ng na-procure ngayong taon ito ay matagal ng nasa drawing board. Itong pagbili ng transportasyon ng DepEd ay 2016 pa `yan na-identify at iyan ay included sa 2019 budget. Hindi `yan dinesisyunan sa panahon ng pandemya,” ani Roque.

Ani Roque, ang mga biniling sasakyan ay para sa mga DepEd engineer na gumagawa ng mga silid-aralan at ginagamit din sa pag-inspeksiyon sa panahon ng kalamidad.

Ginagamit din aniya ang mga pick-up sa pagdeliber ng mga module at sa pag-iikot ng mga opisyal ngayong may pandemya.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.