Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang dismayado sa contact tracing app

0 269

Nagtataka ang Malacañang kung bakit hindi pa nagagamit ang tracing app na StaySafe.ph na official contact tracing program ng gobyerno.

“Importante ‘yung tracing, naguguluhan na po ako, nahihilo na ako lalong lalo na dito sa StaySafe.ph app. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa natin ginagamit ito at matagal na pong na-launch namin ‘yan,” ani Roque.

September 2020 nang ilunsad ng gobyerno ang StaySafe.ph, isang automated contact tracing program kung saan ka-partner ng Department of Health ang Multysis Technology Corporation.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pamamagitan ng app ay kukunin ang data ng isang indibidwal at mapupunta sa database ng COVID-KAYA ng DOH.

“I would say that an area for tremendous improvement will be the tracing, the use of a tracing app. Dapat masunod ‘yung sinasabi ni Mayor Magalong na at least 32 for every positive case,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.