Abante Tonite Interactive

Malacañang ginanahan sa survey, doble kayod pa

254

Inspirado ang Malacañang sa positibong trust at approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa survey na inilabas ng Pulse Asia.

Sa ipinalabas na statement ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, ang magandang resulta ng survey ay patunay kung paano tinutugunan ng Duterte administration ang pangangailangan ng mayorya ng mga Pilipino.

Lalo pa aniyang magsisikap at tututok ang gobyerno sa mga hakbang na magbibigay ng ginhawa at kompor­tableng buhay para sa mga Pilipino, sinimulang kampan­ya kontra iligal na droga, kriminalidad at katiwalian.

Magtutuloy-tuloy din ang mga programang pangmahihirap dahil ang gusto ni Pangulong Duterte ay walang maiiwang Pilipino sa isinusulong na pagbabago ng bansa.

“The latest Pulse Asia Survey, which gives President Rodrigo Roa Duterte an 81% Approval and 76% Trust Rating, is a testament to how this administration is attuned to the needs of the greater majority. This go­vernment will continue to focus on the goal of giving a ‘comfortable life for all’ rid of hard drugs, criminality and corruption,” ani Andanar. ()