Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang inismol bantang `welga’ sa baboy

0 197

Hindi nag-aalala ang Malacañang sa banta ng mga retailer na hindi umano sila magbebenta ng baboy sa loob ng 60 araw habang pinaiiral ang price ceiling sa National Capital Region (NCR).

Pahayag ng Malacañang, hindi papayagan ng gobyerno na mawalan ng mabibiling karne ng baboy ang mga taga-Metro Manila kaya kailangang kumilos para hindi maapektuhan ang mga mamimili.

“Hindi po natin papayagan na mawalan ng makakaing baboy ang ating mga kababayan kaya mag-aangkat ng baboy sa Visayas, Mindanao at iba pang parte ng Luzon,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Lahat aniya ng aangkating karne ng baboy sa mga nabanggit na lugar ay ididiretso sa mga palengke o sa Kadiwa Center ng Department of Agriculture (DA).

Ang DA aniya ang magbebenta ng mas murang karne ng baboy para hindi maapektuhan ang publiko sa plano ng mga pork retailer.

“Dadamihan po natin ang supply. So kung dadamihan mo ang supply, at kasama ang price cap, inaasahan po natin na talagang bababa naturally ang presyo ng baboy dahil more supply means less prices. Iyan po ang twin strategy ng gobyerno,” dagdag ni Roque.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.