Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang: Intel fund `di puwedeng idetalye

0 46

Tumanggi ang Malacañang na idetalye ang pinaggamitan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang intelligence fund.

Kasunod ito ng puna ni Senador Panfilo Lacson na umabot na sa mahigit P4 bilyon ang intelligence fund ng Office of the President.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala siya sa posisyon para magsalita hinggil sa intelligence fund ng Pangulo.

“Alam niyo po kung sasabihin natin kung ano iyong pinaggagamitan ng intel fund, it will not be intel fund anymore. So I don’t think I’m at liberty to actually discuss kung ano iyang mga bagay-bagay na `yan,” ani Roque.

Idinagdag ng kalihim na mayroon namang prosesong sinusunod sa paggamit ng intelligence fund, alinsunod sa guideline ng Commission on Audit (COA).

Subalit sinabi rin ni Roque na bahagi ng intelligence fund ng Pangulo ay ginamit sa pagtugon sa problema sa COVID-19, lalo na sa mga unang buwan nang pumutok ang pandemya.

“Siyempre po ginagamitan po ng Presidente iyan para tustusan iyang mga pangangailangan na gastusan na hindi na po naka-provide din sa ating Saligang Batas,” dagdag ni Roque.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.