Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang kay Gapay: Rubout case hayaang umusad

0 198

Huwag atat sa halip ay hayaang umusad ang ligal na proseso laban sa siyam na miyembro ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa pagpaslang sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos na magpahayag ng pagkadismaya si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Lt. Gen. Gilbert Gapay dahil hanggang ngayon wala pang naisasampang kaso sa korte laban sa mga pulis makalipas ang dalawang buwan matapos na mangyari ang insidente.

Ipinahayag ito ni Gapay sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs na ginanap noong Miyerkoles.

Sinabi naman ni Roque na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagbigay ng katiyakan sa AFP na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng apat nilang sundalo.

“Ngayon natapos na ang imbestigasyon ng NBI [National Bureau of Investigation] at naisampa na ang kaso sa piskalya, hayaan na natin ang proseso umusad kasi po merong 90 days maximum ang mga piskal para mag-resolve ng kaso,” ayon kay Roque.

“Dumaan ito sa regular preliminary investigation, hindi ito dumaan sa inquest kasi wala naman ang mga piskal o police investigators nung pangyayaring `yon so dapat dadaan sa regular preliminary investigation at `yan naman ay statutory right ng mga akusado,” paliwanag pa ng kalihim. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.