Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Malacañang: Maraming pinasara sa martial law ni Marcos

0 473

Malaki ang pagkakaiba ng martial law na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte kumpara sa noong panahon ng Marcos administration.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay ng ika-48 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi ni Roque na noong panahon ni Marcos, maraming mga naipasarang institusyon, taliwas ito sa martial kaw na idinekla ni Pangulong Duterte.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inalis na aniya sa kapangyarihan ng isang nakaupong Presidente ang pagpapasara ng Kongreso, pati na ang Supreme Court na nangyari noong Marcos regime, at sa halip ay maaari nang kuwestiyunin ngayon sa hukuman ang anumang deklarasyon ng martial law.

“Ang deklarasyon ng martial law ngayon pupuwedeng kuwestiyunin sa Kongreso, pupuwedeng kuwestiyunin sa hukuman dahil nga po natuto na tayo sa mapait na karanasan natin sa martial law noong 1970,” ani Roque.

Nasaksihan aniya ng kalihim ang martial law noong panahon ng mga Marcos na aniya ay matinding paghihigpit sa mamamayan. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.