Abante Tonite Interactive

Malacañang nabiktima ng fake news

557

Hindi nakaligtas ang Malacañang sa mga nasa likod ng propaganda ng fake news matapos kuma­lat ang isang dokumento na nag-aatas ng non-contact apprehension laban sa mga dri­ver at operators ng Transportation Network Vehicle Services o TNVS.

Sa ipinalabas na pahayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea, itinanggi nitong nagpalabas ito ng memorandum para sa non-contact apprehension ng TNVS.

Binigyang-diin ni Medialdea na peke ang dokumentong kumalat sa ilang ahensiya ng gobyerno.

“The Office of the President advises the public that Executive Secretary Salvador Medialdea has not signed or caused the release of a particular do­cument, which is labelled as Memorandum No. 636, purportedly adopting a no contact apprehension for Transportation Network Vehicle Services (TNVS) drivers or operators.

The document is fake. Please be guided accor­dingly,” ang mensahe ni Medialdea.

Nakasaad sa bogus na memorandum na exempted na simula sa Lunes, July 15 ang mga TNVS drivers at operators na walang provisional authority o walang certificate of public convenience. (Aileen Tali­ping)