Abante Tonite Interactive

Malacañang nainsulto sa salaulang Chinese tourist sa Boracay

603

Dismayado ang Malacañang sa viral video ng mag-inang Chinese tourist sa Boracay kung saan ibinaon sa buhanginan ang diaper ng anak at hinuga­san naman sa dagat ang umebak a ng anak.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakakainsulto ang ginawa ng Chinese tourist dahil pinagsikapan ng gobyerno na linisin, ayusin at ibalik sa dating ganda ang Boracay island.

Kahit aniya Pilipino ang gagawa ng ganoong aksiyon ay hindi matutuwa dahil hindi ito naaayon sa kagandahang asal.

“It’s a violation. We will not—siyempre we are not happy about that. Hindi naman maganda rin iyon, kasi we’re supposed to be cleaning it up pagkatapos some people are messing it up ‘di ba? Hindi maganda! Oh, kahit na Pilipino iyon; whether Pilipino iyon o tourist, it’s offensive to the sight. It’s not a good scene,” ani Panelo.

Hindi aniya kinukun­sinti ng gobyerno ang mga ganitong klase ng pag­labag sa environmental laws kaya dapat na gumawa ng aksiyon ang mga lokal na opisyal sa isla.

Sinabi ni Panelo na dapat sumunod sa mga batas at panuntunan sa bansa ang sinumang turista dahil mayroong mga polisiyang ipinaiiral sa bansa ..
“Well, there are rules and regulations in that place. So everyone is expected—whether foreigner or Filipinos alike… tourist, whate­ver—they have to follow rules and that obvious­ly is a violation, so they will be subject to administrative or rather suits. So we would advice them to—if they are here in the Philippines, they have to follow the rules,” dagdag pa ni Panelo.

Hindi naman masiguro ng kalihim kung nakita na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang viral video pero hindi malayong na kita na niya ito sa balita. (Aileen Taliping)